Pambobomba sa Egypt, inako ng grupong ISIS
Inako ng grupong ISIS ang naganap na pambobomba sa dalawang Coptic churches sa Egypt na ikinamatay ng 36.
Ayon sa terror group’s Amaq media wing na “security detachment” ng Islamic State ang gumawa ng pag-aatake.
Unang sumabog ang bomba sa Northern City ng Tanta kung saan itinaon ito sa St. George’s Church na ikinamatay ng 25.
Sumabog naman ang pangalawang bomba sa labas ng Saint. Mark’s Coptic Orthodox Cathedral sa Alexandria na ikinamatay 11 katao at ikinasugat ng 35 iba pa.
Agad namang kinondina ni Egyptian President Abdel Fattah el-Sisi ang nasabing atake at inutusan ang mga otoridad na hanapin ang mga suspek para mapanagot sa ginawa.
Nagpaabot na rin ng pagdarasal sa mga pamilya ng mga namatay na biktima si Pope Francis.