Pamilya ng tatlong OFWs na namatay sa Israel binigyan ng tig- kalahating milyong cash assistance ng Kamara
Pinuntahan ni House Speaker Martin Romuladez ang pamilya ng tatlong OFWs na namatay sa bansang Israel dahil sa pananalakay ng Hamas militant group sa Gaza Strip.
Personal na nakiramay at iniaabot ni Speaker Romualdez ang tulong pinansiyal ng mababang kapulungan ng Kongreso sa mga pamilya ng namatay na OFWs na sina Paul Vicente, Castelvi ng San Fernando Pampanga, Loreta Alacre ng cadiz Negros Occidental at Angeline Aguirre ng Binmaley Pangasinan.
Ang mga naulila nina Castelvi, Alacre at Aguirre ay tumanggap ng tig- 500,000 pesos na cash assistance.
Sinabi ni Speaker Romuladez bagamat walang katumbas na halaga ang buhay ng tatlong nasawing OFWs dahil sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group mahalaga na mabigyang ng kaukukang tulong ang kanilang pamilya sa panahon ng krisis.
Nangako rin ang liderato ng Kamara na bibigyan ng gobyerno ng Livelihood Assitance at scholarship grant ang mga naulilang pamilya ng tatlong namatay na ofws sa israel.
Sa ngayon ay on-going na ang proseso ng repatriation sa mga ofws na naiipit sa kaguluhan sa israel na nagnanais makauwi sa pilipinas sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs o DFA at Department of Migrant Workers o DMW para sa kanilang kaligtasan.
Vic Somintac