Pamilya ni Kian Delos Santos, ikinalugod ang pagkakaaresto kay FPRRD

0
PRRD

Former Philippine president Rodrigo Duterte delivers a speech during the proclamation rally for his political party PDP-Laban’s senatorial candidates ahead of the midterm elections, at Club Filipino in San Juan, Metro Manila, Philippines, February 13, 2025. REUTERS/Eloisa Lopez/File Photo

Masaya ang pamilya ni Kian Delos Santos nang mabalitaan ang pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa war on drugs noong administrasyon nito.

Si Kian ay ang 17 taong gulang na binatilyo na napaslang sa anti-drug raid ng pulisya sa Caloocan City noong 2017, matapos umano itong manlaban.

File photo

Una nang hinatulan ng guilty sa kasong murder ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian.

Ayon sa tiyuhin ni Kian na si Randy Delos Santos, ilang taon hinintay ng kanilang pamilya at ng pamilya ng iba pang mga biktima ng drug war na mapanagot ang mga dapat managot sa pagkamatay ng kaniyang pamangkin.

Sinabi nito, “Yung aking pamangkin di nga nadala sa korte, andaming akusasyon na ibinato, pinatay ito. Mapalad ang dating pangulo dahil mabibigyan siya ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili niya. Nagkaroon ba ng malawakang patayan? Ang sagot alam naiting lahat oo. Kahit kailan hindi ako nawalan ng pag-asa, kahit kailan. Naniniwala ako sa katarungan.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *