Pamumuhunan sa sector ng agrikultura iminungkahi ng isang senador
Umaapela si Senador Cynthia Villar sa mga economic manager ng Marcos administration na mamuhunan rin sa sektor ng agrikultura sa isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF).
Ayon sa senador, pawang mga infrastructure at power related projects ang naririnig nyang paglalagakan ng investment.
Sana raw mamuhunan rin sa mga programa sa agriculture para mapakinabangan ng mga magssaka.
Ini-halimbawa nito ang kumpanya sa Japan na nagma-manufacture ng fertilizer mula sa mga animal manure at iba pang processing plant na magpapadali sa paraan ng pagsasaka.
Imbes aniya na bumili ang gobyerno sa abroad dapat mag-invest sa mga processing o factory para sa food production tulad ng dairy products.
Bukod sa magmumura ang produkto maari rin itong makapagbigay ng trabaho sa mga kababayang Pilipino.
Meanne Corvera