Panahon para mabayaran ni VP Robredo ang nalalabing ₱7M na bayarin para sa counter-protest kay BBM pinalawig ng PET

Pinalawig ng Presidential Electoral Tribunal o PET ang panahon para mabayaran ni Vice President Leni Robredo ang nalalabi pang pitong milyong pisong bayarin para sa kaniyang counter-protest kay dating Senador Bongbong Marcos.

Gayunman, sinabi ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, walang ibinigay na eksaktong petsa ang PET kung hanggang kailan ang ekstensiyon.

Pero hihilingin umano nila sa PET na payagan sila na palawigin ang ektensiyon hanggang sa matapos ang recount sa unang tatlong mga probinsiya na nais ni Marcos na unang mabilang.

Ang mga lalawigan na nais ng kampo ni Marcos na dapat magkaroon ng unang bugso ng recount ay ang Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *