Pananamantala sa mga Kooperatiba pinaaaksyunan sa Department of Agriculture
Pinaaksyunan ni Senador Imee Marcos sa Department of Agriculture ang pananamantala ng mga Rice importer sa mga kooperatiba ng mga magsasaka.
Ayon kay Marcos, chairman ng Senate committee on Economic Affairs, ginagamit ng mga Rice importer ang mga lehitimong kooperatiba ng mga magsasaka upang mapakinabangan ang kanilang tax exemption.
Sa mga natanggap niyang reklamo, ang mga Rice importers idinideklarang brown at broken rice para sa animal feed ang mga inaangkat na well-milled rice para makakuha ng discount sa buwis.
Pati ang mga shipment cost ay nililista bilang “other charges” na libre sa taripa, kaya mas lalong nababawasan ang nakokolekta ng BoC para pondohan ang Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Naghain na si Marcos ng Senate Resolution 549 upang imbestigahan ang mga misdeclared at undervalued na rice imports kasama na ang pagbabalk sa operasyon ng mga importers na dati nang ipinapa- blacklist ng DA.
Meanne Corvera