Pananatili ng mataas na satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa gitna ng Marawi crisis ikinatuwa ng Malakanyang
Magsisilbing inspirasyon sa Duterte administration ang pananatili ng mataas na satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng krisis sa Marawi City na kagagawan ng mga teroristang Maute group.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahayagan lamang ito na nananatili ang kumpiyansa ng sambayanang Pilipino sa pamamalakad ni Pangulong Duterte lalo ang pagharap sa problema ng bansa.
Ayon kay Abella puspusan ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan na maibalik sa normal ang Marawi City para mapagtuunan ng pansin ang iba pang problema ng bansa lalo na ang may kinalaman sa kabuhayan.
Batay sa second quarter survey ng Social Weather Stations o SWS nakapagtala ang Pangulo ng positive 66 points o 78 percent net satisfaction rating.
Ulat ni: Vic Somintac