Pang. Duterte, balik bansa na matapos ang biyahe mula Myanmar at Thailand
Nakabalik na sa bansa mula sa apat na araw na official visit sa Myanmar at Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte.
Alas dos y media ng madaling araw lumapag ang sinasakyan eroplano ng Pangulo sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport.
Sa kanyang pagbalik binanatan ng Pangulo ang European Union sa pakikialam sa bansa dahil madaming napapatay na criminal.
Mensahe ng Pangulo sa kanyang mga kritiko bakit hindi pansinin ng mga bumatikos sa kanya ang mga namamatay na inosente matapos ma- rape o kaya naman ay maholdap.
Binalaaan din ng Pangulo ang mga Narco Politician lalo na ang mga Barangay Chairman na sangkot sa bentahan illegal na droga na hindi niya palalampasin ang masamang gawain ng mga ito.
Isa aniya ito sa mga dahilan kung bakit ipinagpaliban ang Barangay elections dahil halos 40 percent ng mga Barangay Chairman ay sangkot sa droga.
Hangad din ng Pangulo na proteksyunan ang bansa lalo na ang mga kabataan ng susunod na henerasyon na huwag malulong sa masamang bisyo.
Ulat ni : Paolo Macahilas