Pang. Duterte handang tugunan ang unilateral ceasefire ng CPP NPA NDF
Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Rodrigo Duterte na tugunan ang unilateral ceasefire na ipapatupad ng mga rebeldeng komunista sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na nais niyang magkaroon ng kapayapaan sa bansa ang communist rebellion na mahigit apat na dekada ng nakikipaglaban sa gobyerno.
Ayon sa Pangulo walang problema kung gusto ng New Peopls Army o NPA ng tigil putukan tatapatan ito ng pamahalaan.
Inihayag ng Pangulo na sa kabila ng mga naganap na hindi pagkakaunawaan ng gobyerno at communist movement nananatiling bukas ang pintuan para sa usapang pangkapayapaan.
Sa darating na Abril -2 hanggang Abril a -6 muling mag-uusap sa The Netherlands ang Govenrment panel at CPP NDF panel para sa isinusulong na peace process.
Ulat ni : Vic Somintac