Pang. Duterte hihintayin muna ang batas na pagtitibayin ng Kongreso bago magtalaga ng mga OIC sa bawat Barangay ayon sa Malakanyang

Binuweltahan ng Malakanyang ang mga kritiko ng administrasyon na bumabatikos kay Pangulong Duterte sa plano nitong mag-appoint ng mga Officer In Charge o OIC  barangay officials.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nakalimutan ng mga kritiko ng administrasyon na isang abogado ang Pangulo.

Ayon kay Panelo natural hindi basta-basta magtatalaga ang Pangulo ng mga OIC barangay official ng walang batas na pinagtitibay ang Kongreso.

Inihayag ni Panelo maging ang pagpapaliban muli sa Barangay election ay Kongreso ang magpapatibay ng batas.

Gusto ng Pangulo na muling ipagpaliban ang Barangay election sa Oktubre ng taong ito hanggat hindi nalilinis ang mga Barangay official sa kanilang pagkakasangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Ulat ni : Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *