Pang. Duterte, hinimok ng isang mahistrado ng SCna ipagtanggol ang Scarborough Shoal
Hinimok ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio si Pangulong Duterte na ipagtanggol ang Scarborough Shoal bilang bahagi ng National territory ng Pilipinas.
Sa isang statement, inihayag ni Carpio na si Pangulong Duterte, bilang Commander-in-Chief ay may mandato sa ilalim ng Saligang-Batas para idepensa ang National territory ng bansa
Anya ang mga pahayag ng Pangulo na hindi nitong kayang pigilan ng Pilipinas ang China sa pagtatayo ng pasilidad sa Scarborough Shoal ay maituturing na paghikayat sa China para magtayong istruktura doon.
Kaugnay nito, ilan sa mga ipinayo ng mahistrado kay Duterte ay maghain ng pormal na protesta laban sa plano ng China na magtayo ng istruktura doon at tanggapin ang alok ng US na magsagawa ng joint naval patrol sa South China Sea para mapigilan ang China sa pagtatayo ng istruktura sa Scarborough Shoal.
Ulat ni: Moira Encina