Pang. Duterte masesentensyahan kapag naiakyat sa Senado ang impeachment complaint
Malaki ang tyansa na mapatalsik sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag nai-akyat na sa Senado ang reklamo ng impeachment laban dito.
Ayon kay Senador Antonio Trillanes, siguradong masesentensyahan ang Pangulo dahil sa kaniyang tantiya, lima lang talaga ang mga Senador na die hard supporter ng Pangulo.
“Alam ko for a fact, ‘yung iba siguro they are just trying to humor the President. pinapaasa, pinapasakay o ginagamit for their purpose. Yung iba talagang ano lang ‘yan naoobliga na pag inimbita ka ng Presidente na mag-dinner sa Malacañang e ‘di mag-dinner. It doesn’t mean na binenta mo na ang kaluluwa mo sa kanya”.- Sen. Trillanes
Bago mag-break ang sesyon ng Kongreso, nakipag dinner pa sa Pangulo ang labinglimang kaalyadong Senador sa Palasyo.
Pero sabi ni Trillanes, hindi lahat ito ay loyal sa Pangulo lalo na kapag nakita nila ang mga ebidensya ng alegasyon laban sa Punong Ehekutibo.
Ito rin aniya ang dahilan kaya ngayon pa lang iniipit na sa Kamara ang impeachment at nais pang ipabasura ng mga kaalyado ng Pangulo.
Ulat ni: Mean Corvera