Pang. Duterte naglabas ng ditektiba para sa mga biktima ng lindol sa Batangas bago umalis patungong Saudi Arabia, Bahrain at Qatar
Umalis na si Pangulong Duterte para sa pitong na araw na pagbisita sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.
Sa kanyang departure speech sa Davao International Airport tiniyak ng Pangulo na isusulong niya ang interes ng Pilipinas sa tatlong bansang kanyang bibisitahin.
Samantala hindi nakalimutan ng Pangulo ang mga naging biktima ng magkasunod na lindol sa lalawigan ng Batangas.
Inihayag ng Pangulo na inaatasan niya ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na agad na magsagawa ng rehabilitation sa mga ari-arian na napinsala ng pagyanig.
Tiniyak ng Pangulo na ibibigay ng pamahalaan ang kaukulang tulong sa mga residenteng naapektuhan ng paglindol sa lalawigan ng Batangas.
Ulat ni: Vic Somintac