Pangakong kompensasyon sa OFWs na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia nakabitin pa – DFA
Wala pang- aasahang kompensasyon ang libo-libong overseas filipino workers na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia sa kasagsagan ng pandemya.
Taliwas yan sa ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang State of the Nation Address noong Hulyo na ipino-proseso na ang claims ng may labing apat na libong mga ofws na nawalan ng trabaho dahil nagsara ang kani-kanilang mga kumpanya.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ng Department of Foreign Affairs na batay sa meeting ng embahada ng Pilipinas sa Vice Minister ng Saudi government, ipono proseso pa ito.
Paglilinaw ni Undersecretary Eduardo Jose de Vega , hindi rin ang Saudi government ang magbabayad kundi ang mga nabangkaroteng kumpanya pero pabibilisin lang ang proseso .
Dahil dito sinermunan ni Senador Raffy Tulfo ang mga opisyal ng Department of Migrant Workers.
Ayon sa Senador bakit sinabi na ang impormasyon sa Pangulo gayong wala pa palang kasiguruhan na may matatanggap na kompensasyon ang mga manggagawang pinoy.
Depensa naman ng DMW, ang kanilang anunsyo ay batay lang sa pakikipagpulong ni Secretary Toots Ople sa Saudi prince noong May 2023.
Magtutungo rin aniya sa Pilipinas ang isang Saudi minister para makipagpulong kay Pangulong Bongbong Marcos ngayong taon at isa ang isyu sa posibleng matalakay.
Pero sabi ni Tulfo kahit may commitment na ang Saudi government kung wala pa namang petsa kung kailan ito matatanggap hindi muna sana isinapubliko para hindi umasa ang maraming pilipino.
Meanne Corvera