Pangamba sa Rafah offensive ipinabatid ng US sa Israeli defense chief
Binanggit ni Secretary of State Antony Blinken sa defense minister ng Israel, ang pagtutol ng US sa isang major ground operation sa Rafah makaraang hindi na ituoy ng Israel ang pagpapadala ng delegasyon sa Washington.
Sumang-ayon si Prime Minister Benjamin Netanyahu na magpadala ng delegasyon sa Wanghinton, ngunit kinansela ito nang hindi sumama ang Estados Unidos sa isang UN Security Council resolution na humihingi ng agarang tigil-putukan sa panahon ng Ramadan.
Sa kaniyang pakikipagpulong kay Israeli Defense Minister Yoav Gallant sa Washington, binigyangh-diin ni Blinken ang “pagtutol ng US sa isang major ground operation sa Rafah,” ayon kay State Department spokesman Matthew Miller.
Sinabi ni Miller, “Such a move ‘would further jeopardize’ the welfare of the more than 1.4 million Palestinian civilians sheltering there.”
Ang determinasyon ni Netanyahu na maglunsad ng isang ground operation sa Rafah, ang lungsod sa katimugang hangganan ng Gaza kung saan nanganganlong ang karamihan sa populasyon ng teritoryo, ay naging isang pangunahing punto ng pagtatalo.
Ayon kay Miller, “Blinken ‘underscored that alternatives exist to a major ground invasion’ that would both better ensure Israel’s security and protect Palestinian civilians.”
Dagdag pa niya, pinag-usapan ni Blinken at Gallant ang “pangangailangan ng agad na dagdag at namamalaging humanitarian assistance upang matugunan ang pangangailangan ng mga sibilyan sa Gaza.”
Una nang sinabi ng Israel, na ang hindi pagsama ng Estados Unidos sa resolusyon ay kapwa “nakasakit” sa kanilang war effort at pagtatangkang mapalaya ang mga bihag.
Ayon sa tanggapan ni Netanyahu, “It was ‘a clear retreat from the consistent position’ of the US.”