Pangangailangan ng mga Health workers sa QC, tiniyak na maibibigay
Lubos ang pasasalamat ng mga nurses, doctors at iba pang hospital staff ng Novaliches District hospital sa Quezon City government sa ibinibigay nitong pagkalinga.
Ayon naman sa lokal ng pamahalaan, pinahahalagahan at kinikilala nila ang dedikasyon gayundin ang pagbibigay serbisyo ng mga frontliners, kaya naman, patuloy din ang kanilang pagsisikap na maibigay ang pangangailangan ng mga health workers sa lungsod.
Kabilang na dito ang komportableng matitirhan upang maiwasan na madapuan ng virus.
Bukod dito ay ang masasarap at masustansyang pagkain upang lumakas pang lalo ang kanilang mga immune system na siyang magiging pananggalang nila sa Covid-19.
Ang mga ginagawa ng lokal na pamahalaan para sa mga Frontliners lalo na sa mga Health workers ay malaking bagay para sa ikapagtatagumpay ng paglaban ng lungsod sa Covid-19.
Binibigyang-diin ng alkalde ng lungsod na sa pakikipagkaisa mapagtatagumpayan ang laban kontra Covid-19.
Belle Surara