Panganib ng init sa Paris Olympics ibinabala sa isang bagong ulat
Isang bagong ulat na suportado ng climate scientists at mga atleta ang nagbabala tungkol sa panganib ng lubhang mataas na temperatura sa Paris Olympics ngayong taon.
Ayon sa report ng “Rings of Fire,” isang kolaborasyon sa pagitan ng non-profit Climate Central, ng academics, ng University of Portsmouth ng Britanya, at ng 11 Olympians, ang mga kondisyon sa Paris ay maaaring maging mas malala kaysa sa huling Games sa Tokyo noong 2021.
Babala nito, “intense heat at the Paris Olympics in July-August 2024 could lead to competitors collapsing and in worst case scenarios dying during the Games.”
Ang naturang report ay karagdagan sa lumalaking bilang ng mga panawagan para sa sports people na i-adjust ang kanilang schedules at isaalang-alang sa timing ng events ang physical strain ng kompetisyon sa mataas na temperatura na sanhi ng global warming.
Hinihimok ng “Rings of Fire” ang organisers ng competitions na karaniwang ginagawa sa kasagsagan ng tinatawag na “northern hemisphere summer,” gaya ng Olympics o football World Cup, na muling pag-isipan ang kanilang scheduling.
Dapat ding magbigay ang organisers ng mas mahusay na ‘rehydration and cooling plans’ kapwa para sa mga atleta at fans upang maiwasan ang panganib ng heat stroke.
Ang Paris Olympics, na tumatakbo mula July 26-August 11, ay nakatakdang ganapin sa karaniwan ay pinakamainit na mga buwan sa French capital na tinamaan na ng mga serye ng ‘record heatwaves’ nitong nakalipas na mga taon.
Mahigit sa 5,000 katao ang namatay sa France bilang resulta ng isang nakapapasong summer heat noong isang taon, kung saan nakapagtala ng ‘new record highs’ na lampas 40 degrees Centigrade (104 Fahrenheit) sa paligid ng bansa, ayon sa public health data.
Sa isang pag-aaral na nalathala sa Lancet Planet Health journal noong nakaraang Mayo, lumitaw na ang Paris ang may pinakamataas na heat-related death rates sa 854 mga bayan at siyudad sa Europe, na bahagi ng dahilan ay ang kawalan ng green space at makapal na populasyon.
Samantala, sa halip na high temperatures, ang tuloy-tuloy na pag-ulan ang kasalukuyang mas malaking ‘weather-related concern’ para sa organisers, kung saan ang regular na pagbagsak ng ulan noong May hanggang ngayong June ay nagresulta sa malakas na agos sa river Seine at hindi magandang kalidad ng tubig.
Ang river Seine ang pagdarausan ng isang boat parade sa isang opening ceremony na hindi pa nangyari noon na nakaplanong gawin sa July 26. Sa ilog ding ito gagawin ang triathlon swimming at marathon swimming events.
Sinabi ng organisers ng Paris 2024 na bumuo na sila ng flexible schedules, upang magawa nilang baguhin ang ilang events gaya ng marathon o triathlon para maiwasan ang kasagsagan ng midday heat.
Subalit karamihan ng mga laro ay nakatakdang ganapin sa temporary stands na walang shade, habang ang athletes’ village naman ay itinayo nang walang air conditioning para maibsan ang carbon footprint.
Nakasaad pa sa report, “Sleep disruption due to heat has been cited in the build-up to the 2024 Games as a major concern by athletes, especially given the lack of air conditioning in the Olympic Village.”
Gayunman, binigyan ng posibilidad ang olympic teams na makapagkabit ng portable air-conditioning units sa kanilang tinutuluyan.
Sinabi ng Indian triathlete na si Pragnya Mohan, na isa sa sumuporta sa “Rings of Fire” report, “I left my home country because of high temperatures, which recently reporting its longest ever heatwave.”
Aniya, “With climate change, the kind of heat that we experience has increased so much,” Mohan told reporters. “I am not able to train in my country. That is one of the reasons that I moved to the UK.”
Ang nakaraang Summer Olympics sa Tokyo ay malawakang inakala na siyang pinakamainit na naitala, kung saan ang mga temperatura ay lumampas sa 30C at sinamahan pa ng 80 percent humidity.
Ang race walk events at dalawang marathons 800 kilometer (500 miles), ay inilipat ng Tokyo organisers sa hilaga ng Tokyo sa pag-asa ng mas malamig na panahon pero hindi rin naman naranasan.
Sa kabila ng maraming anti-heat measures kabilang ang misting stations, maraming mga atleta ang nahirapan sa kanilang performance, kabilang ang Russian tennis player na si Daniil Medvedev na inisip pang baka siya mamatay.
Sa kaniyang pagsasalita sa Tokyo, nagbabala ang World Athletics president na si Sebastian Coe, na siyang sumulat sa foreword para sa “Rings of Fire,” na ang bagong “norm” ay ang kompetisyon sa ilalim ng napakatinding ‘climactic conditions.’