Pangha-harass ng Chinese coastguard sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough shoal, hindi na kailangang iprotesta–Sen. Pimentel

Hindi umano sapat na basehan ang napaulat na panghaharass ng mga Chinese coastguard sa ilang Filipino fishermen sa Scarborough Shoal para magsampa ng kaso sa international tribunal laban sa China.

Ayon kay Senador Aquilino Pimentel, bilang abugado, wala siyang nakikitang basehan para idulog pa sa International court ang umano’y panghaharass.

Katwiran ni Pimentel, ito ay ordinaryong kaso ng pagnanakaw ng mga chinese coastguard sa mga pinoy na maaring resolbahin ng mga Korte sa bansa kung saan nangyari ang krimen.

Pero bilang kinatawan ng mga Filipino citizens, maaring magprotesta ang gobyerno ng pilipinas laban sa China.

Iginiit naman ni Pimentel na may mga ginagawa namang aksyon ang Pilipinas laban sa mga kaso ng panghaharass o pang aabuso ng China pero hindi maaring isapubliko dahil masyadong sensitibo ang foreign relations.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *