Pangulo ng Indonesia, sinabi sa G20 leaders na wakasan ang giyera
Wakasan na ang giyera. Ito ang sinabi ni Indonesian President Joko Widodo sa G20 members nang buksan niya ang leaders’ summit ngayong Martes sa Bali.
Bago ang opening session ng summit ay sinabi niya sa mga lider, “Being responsible means creating not zero-sum situations, being responsible here also means that we must end the war. If the war does not end, it will be difficult for the world to move forward.”
Nanawagan si Widodo sa mga miyembro nang hindi binabanggit ang Russia, na huwag payagan ang isa pang Cold War sa pagitan ng makapangyarihang mga bansa.
Aniya, “We should not divide the world into parts. We must not allow the world to fall into another Cold War.”
Ang Russia ay kinatawan ni Foreign Minister Sergei Lavrov, matapos iwasan ni President Vladimir Putin na daluhan ang pagtitipon.
Virtual naman ang magiging pagharap ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa pulong.
Ang mga pinuno ng G20 ay nagtitipon sa Bali habang ang tumataas na inflation na dulot ng pagsalakay ng Moscow ay naging sanhi upang lalo pang maghirap ang milyun-milyong katao, at nagtutulak sa ilang mga bansa patungo sa recession.
Ang mga kaalyado ng US ay umaasa na ang economic headwinds na nilikha ng digmaan ay magdadala sa mga bansa ng G20 na bagama’t magiging maingat sa pagtuligsa sa Russia, ay magiging concern pa rin sa pagtaas ng mga presyo.
Ayon kay Widodo, dapat magtagumpay ang major economies ng mundo, sa pagtugon sa mas matitinding mga krisis.
Sinabi niya sa mga delegado, “Today, the world’s eye is on us. Will we score a success? Or will we add one more failure? For me, the G20 must be successful, it must not fail.”
© Agence France-Presse