Pangulo ng Switzerland, nagpositibo sa Covid-19

Switzerland’s President Ignazio Cassis, wearing a facemask as a preventive measure against the Covid-19 coronavirus, looks on during a press conference following bilaterals meetings with US Secretary of State and Russian Foreign Minister in Geneva on January 21, 2022. – Washington and Moscow’s top diplomats agreed at high-stakes talks to keep working to ease tensions over Ukraine. (Photo by Fabrice COFFRINI / AFP)

Nagpositibo sa Covid-19 si President Ignazio Cassis, kasabay ng araw nang alisin ng Switzerland ang halos lahat ng natitira nilang coronavirus restrictions sa kabila ng mataas pa ring bilang ng mga kaso.

Ayon sa statement ng gobyerno, agad na nag-isolate ang pangulo matapos malamang positive ang resulta ng kaniyang Covid test, subali’t wala siyang sintomas at maayos naman ang kalusugan.

Ang 60-anyos na dating manggagamot ay babalik na sa kaniyang tanggapan sa susunod na linggo.

Noong Miyerkoles ay inihayag ni Cassis, na gaya ng iba pang mga bansa sa Europa na kinabibilangan ng Austria, Britain, the Netherlands, Denmark, at Norway ay aalisin na rin ng Switzerland ang halos lahat ng kanilang Covid-19 restrictions.

Ayon kay Cassis . . . “The light is definitely there on the horizon, to learn to live with the virus. We shouldn’t be afraid of a return to normal, but we shouldn’t be too enthusiastic either.”

Ang natitira na lang na coronavirus requirements sa Switzerland, ay ang mandatory self-isolation sa loob ng limag araw kapag nagpositibo sa Covid-19, at ang pagsusuot ng masks sa public transports at sa healthcare institutions.

Para naman makapasok sa bansa, hindi na kailangan ng proof of vaccination, recovery o isang negative test, o mag-fill up ng isang entry form.

Ang Switzerland, na mayroong 8.6 milyong populasyon, ay nakapagtala ng higit 2.6 million Covid-19 cases at 12,500 naman ang nasawi sa panahon ng pandemya.

At sa nasa 20,000 kada araw na naitatalang bagong mga impeksiyon, nasa halos kalahati na lamang ito ng peak na nasaksihan sa pagtatapos ng Enero. Gayunman, ang case rate ay mataas pa rin kumpara sa mga nakapaligid ditong bansa na kasapi sa European Union.

Halos 69 percent ng Swiss residents ay fully vaccinated na, at 41 percent naman ang nabigyan na ng booster dose.

Please follow and like us: