Pangulong Bongbong Marcos , binati si US Pres. elect Donald Trump sa pagkapanalo nito

Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si US President-Elect Donald Trump sa pagkapanalo nito sa katatapos na US Presidential Election.

Sa statement na inilabas ng Pangulo, inaasahan umano niyang makakasama si Trump para tugunan ang mahahalagang isyu na magtataguyod sa samahan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Umaasa rin siya sa mas matibay na alyansa ng dalawang bansa sa ilalim ng muling pamumuno ni Trump, lalo na’t pareho ang kanilang pananaw at paniniwala.

Binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos ang matatag na pakikipagtulungan ng Pilipinas sa US, na nakabatay sa ‘freedom and democracy’ na pareho nilang pinapahalagahan.

Kumpiyansa siya na ang pamumuno ni Trump ay mag-aambag sa mas magandang kinabukasan para sa parehong mga bansa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *