Pangulong Duterte at Senador Bong Go inikot ang mga probinsyang tinamaan ng bagyo
Dalawang araw na nag-ikot sina Pangulong Duterte at si Senador Christopher Bong Go sa mga probinsyang matinding hinagupit ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Personal na kinausap ng Pangulo ang ilan sa pamilya ng mga biktima ng kalamidad sa Cebu at Bohol kahapon.
Ayon kay Senador Go , nakita ng pangulo ang kalunos lunos na sinapit ng mga biktima.
Malungkot aniya ang Pangulo dahil unti unti pa lang nakakabangon ang bansa sa hagupit ng pandemya , marami naman sa mga taga Visayas at Mindanao ang tinamaan ng bagyo.
Maglalabas aniya ang Malakanyang ng dalawang bilyong pisong inisyal na pondo para sa mga biktima ng bagyo at naghahanao na ng iba pang maaring pagkunan ng pondo.
Pero inatasan ng Pangulo ang mga ahensya ng pamahalaan na gamitin ang Quick Response Funds para makapagbigay ng housing assistance sa mga nasira ang bahay , tulong para sa nasirang mga bangka ng mga mangingisda at iba pang agricultural machineries ; repair ng mga nasirang gusali, tulay, paliparan, daungan at , kalsada.
Samantala Ayon sa Department of Energy marami pa ring lugar sa Visayas at Mindanao ang hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente.
Sa abiso ng DOE labinlimang transmission lines sa visayas at apat sa mindanao ang sira matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Meanne Corvera