Pangulong Duterte ayaw ma-impeach si Vice President Leni Robredo

 

Hindi pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na ma-impeach si Vice President Leni Robredo.

Sinabi ng Pangulo sa media briefing sa Ninoy Aquino International Airport pagdating mula sa official visit sa Myanmar at Thailand, hinihiling niya sa mga kaalyadong kongresista na itigil ang impeachment move laban sa Pangalawang Pangulo.

Ayon sa Pangulo katatapos lamang ng eleksyon at huwag ng guluhin ang istraktura ng gobyerno.

Inihayag ng Pangulo na kung ang basehan lamang ng mga kaalyadong kongresista sa impeachment ay ang patuloy na pagbatikos ni Robredo sa kanya hindi ito sapat na basehan dahil ang pagpuna ay bahagi ng demokrasya.

Iginiit ng Pangulo mas marami pang trabaho na pakikinabangan ng bayan ang dapat na gawin kaysa atupagin ang impeachment.

Taliwas ito sa naging pahayag ng Pangulo bago umalis patungong Myanmar at Thailand na inaakusahan niya si Robredo na atat na atat na maging Pangulo.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *