Pangulong Duterte, bumisita sa lugar na inatake ng BIFF sa Maguindanao.
Binisita ni Pangulong Duterte ang bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao ngayong Martes, matapos itong salakayin ng nasa 100 armadong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) noong Sabado.
Kasama si Senador Bong Go, pinulong ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasama ang ilang local government officials, AFP at PNP area commanders.
Ininspeksyon ng Pangulo ang mga na-recover na armas sa nangyaring bakbakang tumagal ng halos anim na oras bago tumakas ang mga rebelde. Walang iniulat na casualty sa sagupaan.
Siniguro naman ni Pangulong Duterte ang kanyang buong suporta para sa ikatatagumpay ng BARMM.
Hinikayat din nito ang lahat ng sangay ng pamahalaan na suportahan ang BARMM sa kanilang adhikain upang matupad na ang matagal na nilang pinapangarap na isang mapayapa at maunlad na Mindanao.
Meanne Corvera