Pangulong Duterte, bumuo na ng komisyon na mag-iimbestiga sa lahat ng Presidential appointees
Naglabas ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order na binibigyan ng kapangyarihan na mag-imbestiga sa mga presidential apoointtees na nasa labas ng executive department kasama ang office of the ombudsman.
Batay sa Executive Order 43 na pinirmahan ng Pangulo mayroong motto propio authority ang Presidential Anti Corruption Commission o PACC katulad ng taglay ng Office of the Ombudsman.
Layunin ng kautusan ng Pangulo na palakasin ang kampanya ng pamahalaan laban sa korapsyon sa gobyerno.
Magugunitang nagbanta ang Pangulo na maging ang mga presidential appointees na nasa Office of the Ombudsman ay kanyang paiimbestigahan sa kaso ng katiwalian.
Lahat ng mga Deputy Ombudsman ay nasa ilalim ng kontrol at superbisyon ng Executive Department.
Kamakailan ay pinag-initan ng Pangulo si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang dahil sa hindi paglalabas nito ng bank records ng Pangulo batay sa akusasyon ni senador Antonio Trillanes.
Ulat ni Vic Somintac