Pangulong Duterte dadalo sa Asean Leaders Summit sa Singapore sa susunod na linggo

 

 

Biyaheng Singapore si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo para  sa dalawang araw na Asean Leaders’ Summit.

Sa Pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Helen dela Vega isasagawa ang Asean leaders summit sa April 27 hanggang 28.

Tumatayong chairman ng Asean summit ngayong taon ang Singapore.

Pagpapalakas sa Regional Peace and Security ang sentro ng Asean summit.

Sa ilalim ng temang “Resilient and Innovative Asean”  kasama sa tatalakayin ng mga Asean leaders sa taunang pulong ang Asean Code of Conduct on the South china sea para magkaroon ng nagkakaisang hakbang.

Naghayag naman ng pagnanais si Pangulong Duterte na maka-one-on-one meeting si Singapore Prime Minister Lee Hsieng Long para ipaabot ng personal ang pagsuporta ng bansa sa chairmanship ng Singapore sa Asean summit.

Bukod sa Singapore, inaasikaso pa ng DFA na magkaroon ng hiwalay na pulong ang Pangulo sa dalawang Asean leaders at ang makapiling ang Filipino community kung saan aabot sa 180 thousand na mga Pinoy ang nagtatrabaho at nakatira sa Singapore.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *