Pangulong Duterte dideretso sa APEC summit sa Papua New Guinea pagkatapos ng Asean summit sa Singapore
Hindi na babalik ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pagdalo sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN summit sa Singapore.
Si Pangulong Duterte ay dideretso na sa Papua New Guinea para daluhan naman ang Asia Pacific Economic Cooperation o APEC summit.
Ang Asean summit sa Singapore ay magsisimula sa November 13 hanggang November 15 samantalang ang APEC summit ay magsisimula sa November 16 hanggang November 18.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella na ang dalawang summit sa Singapore at Papua New Guinea ay parehong mahalaga sa kapakanan ng Pilipinas na may kaugnayan sa seguridad at ekonomiya.
Ulat ni Vic Somintac