Pangulong Duterte, gustong government to government ang transaksyon sa pagbili ng Anti – COVID 19 Vaccine
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na government to government ang transakyon sa pagbili ng anti COVID 19 vaccine sa sandaling available na ito sa merkado.
Sa kanyang regular na address to the nation sinabi ng Pangulo na ayaw niyang maging pribado ang makikipagnegosasyon sa pagbili ng bakuna laban sa COVID 19.
Ayon sa Pangulo naniniwala siyang magiging maayos at mabilis kung government to government ang usapan sa pagbili ng bakuna sa COVID 19 mula sa bansang mauunang makakuha ng approval ng Food And Drug Administration o FDA.
Inihayag ng Pangulo na hindi manghihingi kundi bibilhin ng Pilipinas ang anti COVID 19 vaccine.
Batay sa report posibleng sa bansang China bibili ang Pilipinas ng Anti COVID-19 vaccine dahil natapos sa third and final stage ng clinical trial ang kanilang bakuna.
Vic Somintac