Pangulong Duterte, hinahanap sa PNP ang mga Ninja cops na matagal na niyang pinahuhuli

Sinisingil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pambansang Pulisya hinggil sa Ninja cops.

Ito’y matapos isiwalat ng Pangulo na kabilang sa ninja cops si dating PDEA official Police Lt..Colonel Eduardo Acierto.

Hinahanap ng Presidente ang report ng PNP kung ano na ang development sa kaso ng mga pulis na sangkot sa pag-recycle ng mga nakumpiska nilang iligal na droga.

Binanggit ng Pangulo ang pangalan ng ang iba pang  ninja cops na hanggang ngayon  ay hindi maipresinta sa kaniya ng PNP at patuloy na nakapagtatago sa batas.

Kabilang sa mga pangalang binanggit ng pangulo na kilalang ninja cops ay sina Police Colonel Leonardo Suan at Jimmy Guban, Police Lt. Colonel Lorenzo Bacia Police Leutenant Conrado Caragdag Plice Director Ismael Fajardo na dati ring nasa PDEA.

Ipinagtataka ng Pangulo kung bakit nakawawala pa ang mga pulis na ito hanggang ngayon gayong mga batikan aniya sa mga iligal na gawain tulad ng pagtatanim ng mga ebidensiya, pagbebenta ng mga nakumpiskang iligal na droga, at pagtahi tahi ng kwento sa kanilang mga operasyon.

Kung matatandaan nag alok pa ang Pangulo ng milyon milyong pisong reward o pabuya, mahuli lamang ang mga ninja cops.

Ulat ni Vic Somintac


Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *