Pangulong Duterte, hindi dadalo sa Australia Asean summit

Hindi pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Australia ASEAN summit sa March 17 hanggang March 18 ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas pinili ng Pangulo na dumalo sa graduation ng Philippine Military Academy o PMA na gaganapin sa March 18.

Ayon kay Roque nais ng Pangulo na harapin ang mga panloob na problema ng bansa lalo na ang may kinalaman sa seguridad.

Inihayag ni Roque sasamantalahin ng Pangulo ang pagkakataon para kausapin ang mga batang sundalo para palakasin ang giyera ng pamahalaan laban sa terorismo.

Niliwanag ni Roque na bagamat hindi personal na dadalo ang Pangulo sa Australia ASEAN summit ipapadala naman ng Malakanyang si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano para katawanin ang Presidente.

Umaasa ang Malakanyang na bagamat hindi sisiputin ng Pangulo ang Australia ASEAN summit mananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Australia.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *