Pangulong Duterte, humingi ng paumanhin sa mga magulang dahil hindi pa papayagan ang face to face na pag-aaral sa eskwelahan
Humingi ng pang-unawa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang dahil hindi pa makakabalik sa face to face na pag-aaral ang mga estudyante ngayong school year 2021 – 2022.
Ginawa ng Pangulo ang paghingi ng paumanhin sa kanyang regular weekly Talk to the People.
Sinabi ng Pangulo, na hindi niya maaaring isugal ang buhay at kaligtasan ng mga mag-aaral dahil hindi pa nakokontrol ang paglaganap ng pandemya ng COVID-19 sa bansa.
Ayon pa sa Pangulo delikado na pabalikin na sa face to face na pag-aaral ang mga estudyante dahil hindi pa sila nababakunahan isama pa ang pagpasok ng Delta o Indian variant ng COVID-19 na sinasabing mas mabilis makahawa at kumalat.
Magugunitang pinag-aaralan pa ng mga health expert sa bansa kung kailan pasisimulang mabakunahan ang mga menor de edad laban sa COVID 19.
Vic Somintac