Pangulong Duterte ibabatay pa rin sa rekomendasyon ng military ground commanders kung palalawigin pa ang Martial Law sa Mindanao
Wala pa ring sinasabi si Pangulong Rodrigo Duterte kung palalawigin niya ang Martial Law sa buong Mindanao.
Sinabi ng Pangulo na naniniwala siyang malapit ng matapos ang krisis sa Marawi City na kagagawan ng mga teroristang Maute group subalit nasa assessment pa rin ng military ground commanders ang basehan kung pananatilihin ang pag-iral ng Martial Law.
Ayon sa Pangulo ang pangunahing tinitignan niya ay ang posibleng spillover ng terror activities sa iba pang panig ng Mindanao kahit tuluyan ng mabawi ang Marawi City.
Ang bisa ng Martial Law sa Mindanao ay matatapos sa July 22 o animnapung araw matapos ideklara noong May 23.
Ulat ni: Vic Somintac