Pangulong Duterte, iginagalang ang Press freedom kaya ibinasura ang Sim card registration bill
Pinapahalagahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Freedom of Speech o malayang pagpapahayag.
Ito ang dahilan ayon kay Senador Francis Tolentino, bakit nagdesisyon ang Pangulo na i veto ang Sim card registration bill.
Ayon sa Senador, ibinasura ng Pangulo ang panukala dahil sa probisyon nito sa anti troll na mag- oobliga sa mga social media na iparehistro ang tunay na pangalan at contact number ng sinumang gumawa ng account.
Nangangahulugan lang ito na sinisikil ang katapatan na bumatikos ang isang indibidwal sa pamamagitan ng social media.
Sinabi ng Senador na sa tingin niya bilang abogado hindi akma ang naturang probisyon na isama sa panukalang batas.
Ang tunay na layon aniya ng panukala ay maiparehistro ang identity ng lahat ng bibili o gumagamit ng prepaid simcard para hindi ito nagagamit sa panloloko at paggawa ng krimen.
Tiniyak ng Senador na isusulong niya ang panukala sa susunod na Kongreso.
Naniniwala siyang lulusot ito sa susunod na Kongreso kung lilimitahan lang sa Simcard registration.
Meanne Corvera