Pangulong Duterte, inatasan ang PAO na ituloy ang isinasagawang otopsiya sa mga sinasabing namatay sa Dengvaxia

Hindi pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan ng grupo ng mga doktor at dating Health secretary na dapat itigil ng Public attorney’s office o PAO ang ginagawang otopsiya sa bangkay ng mga batang pinaniniwalaang namatay dahil sa Dengvaxia.

Ito ang isa sa tinalakay ng Pangulo sa ipinatawag na pulong sa Malakanyang kina PAO Chief Atty. Percida Rueda Acosta, Justice secretary Vitaliano Aguirre at Presidential anti-corruption adviser Dante Jimenez.

Ayon kay Jimenez, nais ng Pangilo na isulong ang kapakanan ng mga biktima at pamilya ng mga nakatanggap ng dengvaxia.

Ayon kay Jimenez, may go-signal na si Justice secretary Aguirre sa PAO na basta may request ang pamilya ng biktima na isailalim sa otopsiya ay dapat na pagbigyan at tulungan.

Nais ng Pangulo na ugatin ang problemang idinulot ng Dengvaxia at papanagutin ang dapat na managot.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

===  end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *