Pangulong Duterte inupakan ang mga kalaban sa harap ng Filipino Community sa Myanmar
Isa-isang binanatan ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kalaban sa harap ng filipino community sa Myanmar.
Partikular na tinukoy ng Pangulo si Vice President Leni Robredo na apuradong maging Presidente.
Hindi rin nakaligtas si Senador Antonio Trillanes na tinagurian niyang asong kahol ng kahol.
Isinunod din si Senadora Leila de Lima na iginigiit na political prisoner samantalang siya ang numero unong drug protector sa bansa.
Ayon sa Pangulo hindi siya natatakot sa kanyang mga kalaban dahil handa niyang tanggapin kung ano ang itinadhana sa kanya.
Noong una ay hindi naniniwala ang Pangulo na kasabwat si Vice President Robredo sa tangkang pagpapabagsak sa kanya sa puwesto.
Ngayon ay kumbinsido na ang Pangulo na kasabwat si Robredo sa destabilisasyon sa pamahalaan.
Ulat ni: Vic Somintac