Pangulong Duterte, ipinag-utos ang paglalagay ng Health hazzard warning sa mga sugar base drinks and beverages

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Trade and Industry o DTI na obligahin ang mga manufacturers ng sugar base drinks and beverages na maglagay ng health hazzard warning sa kanilang mga produkto.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez sa briefing sa Malakanyang na ang kautusan ay ginawa ng Pangulo sa pinakahuling cabinet meeting.

Ayon kay Lopez, kumbinsido ang Pangulo sa resulta ng mga pag-aari ng mga dalubhasa may masamang epekto sa kapulungan ang sobrang sugar intake sa katawan ng tao.

Inihayag ni Lopez na ito rin ang dahilan kaya pinatawan ng excise tax ang mga sugar base drinks and beverages sa ilalim ng tax reform acceleration amd inclusion o Train law upang mabawasan ang pagkonsumo sa naturang mga produkto.

Niliwanag ni Lopez na batay sa Train law papatawan ng 6 pesos na excise tax kada litro ng sweetened and carbonated beverages, 12 pesos kada litro naman sa mga high fructose corn syrup products.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *