Pangulong Duterte , kinalampag ang MMDA dahil dismayado parin sa trapik sa Metro manila
Walang makitang pagbabago si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng ibat- ibang solusyon nang ipinatupad ng mga awtoridad sa pangunguna ng Metropolitan Development Authority o MMDA para mabawasan ang bigat ng trapik sa Metro Manila.
Sinabi ng Pangulo na kulang pa rin ang mga nagawa ng hakbang sa kabila ng ibat- ibang paraan na ipinatutupad para mapagaan ang daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.
Ayon sa Pangulo sa kabila ng mga naitayong elevated highways subalit wala paring epekto upang makaramdam ng pagbabago sa lagay ng trapiko sa Kamaynilaan.
Magugunitang sinabihan kamakailan ng Pangulo ang MMDA na kung maaari ay paspasan ang ginagawang pag- aaral para mabawasan ang trapik sa National Capital Region.
Batay naman sa inilatag na proposal ng MMDA kay Pangulong Duterte nais nilang magkaruon ng Elevated Walkway para sa mga tao at karagdagang Bicycle Lane upang mahikayat ang publiko na maglakad o magbisikleta na lamang papunta sa trabaho at makabawas sa magdadala ng sasakyan ganun din ang pagbuhay sa odd even scheme maliban sa ipinatutupad na number coding.
Vic Somintac