Pangulong Duterte nagbabala ng panibagong terror attack sa Mindanao
Nakaamba na naman ang panibagong pag-atake ng mga terorista sa tatlong lalawigan sa Mindanao.
Ayon kay Senador Vicente Sotto, batay ito sa impormasyon na binanggit ng Pangulo sa meeting nila kagabi .
Tumanggi si Sotto na magbigay ng iba pang detalye dahil masyado aniyang sensitibo ang isyu.
Pero sa intelligence aniya ng Pangulo, tatlong lalawigan ang tinatarget ngayon ng mga terorista.
Ipinatawag aniya ng Pangulo ang liderato ng Senado at Kamara kasama na ang oposisyon para mabigyan sila ng sapat na impormasyon hinggil sa panibagong terror threat.
Sa ngayon, plano aniya ng Pangulo na magdeploy ng mahigit dalawampung libong mga sundalo sa naturang mga lalawigan para hindi maulit ang nangyaring marawi siege.
Ulat ni : Mean Corvera