Pangulong Duterte , naglabas ng executive order na mag-reregulate sa maintenance medicines sa bansa
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order o EO 155 na nagreregulate sa presyo ng mga pangunahing gamot sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles ang nasabing EO ay naglalayong mapanatiling abot kaya ang presyo ng mga maintenance medicine na kailangan ng mga mamayang may sakit.
Sinabi ni Nograles na bahagi ito ng mga hakbang pamahalaan para magkakaroon ng access sa mura at dekalidad gamot sa merkado.
Inihayag ni Nograles na nakasaad sa kautusan ng Pangulo na ang mga hindi susunod ay maaaring patawan ng kaparusahan o multa na mula 50 libong piso hanggang 5 milyong piso at maaring maharap sa paglabag sa Republic Act 9502 o kilala bilang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008.
Vic Somintac