Pangulong Duterte, nagpahiwatig ng balik-lockdown kapag kumalat pa ang Delta variant
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng muling magpatupad ang pamahalaan ng mas mahigpit na mga hakbang sakaling kumalat sa bansa ang Delta variant ng COVID-19, tulad ng ipinatutupad ngayong lockdown sa Indonesia. Ito’y matapos makapagtala ng kabuuang 36 na kaso ng Delta variant sa bansa, kung saan ay dalawa na ang namatay.
Kasabay nito ay ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang mahigpit na pagpapatupad sa mga kasalukuyang health protocols at umaasa siyang sapat na ang mga ito upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19 virus, kasabay ng vaccination rollout. Subalit binigyang diin ng Pangulo na sakaling hindi pa ito maging sapat, muling ipatutupad ng pamahalaan ang pagbabawal sa mga mass gathering upang hindi maging dahilan ng mabilis na pagkalat ng virus.
“The reported local cases in the country is a cause for serious alarm and concern. Again it’s redundant but still it is good as any warning that can be given to the people. We may need to re-impose stricter restrictions to avoid mass gathering and prevent super spreader events. It is not only Indonesia, tinamaan ulit ang Korea at Taiwan.
Sila yung nag-lockdown kasi pumasok nga itong variant na Delta. I hope that our existing infrastructure in dealing with the problem of COVID-19 can cope up. Depende kung the vaccines for COVID-19 can be as effective in dealing with the virus Delta. Kapag andito na, kung sakali man it will spread, I hope it will not, then we’ll have to go again to stricter measures”.