Pangulong Duterte , nagpaliwanag sa hindi agad pagdedeklara ng state of calamity sa mga lugar na sinalanta ng bagyong odette
Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa umiiral na batas ang hindi agad na pagdedeklara ng pamahalaan ng state of calamity sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ng Pangulo na gustuhin man niyang isailalim agad – agad sa state of calamity ang mga lugar na napinsala ng bagyong Odette hindi niya magawa dahil may hadlang.
Ayon sa Pangulo kailangan muna ang assessment report kung gaano kalawak ang pinsalang idinulot ng kalamidad bago makapagdeklara ng state of calamity.
Inihayag ng Pangulo na kailangang umaksyon ang kongreso upang maamyendahan ang batas para makakilos ng mabilis ang gobyerno sa pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.
Vic Somintac