Pangulong Duterte, nagsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ulysses
Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ulysses.
Ayon kay Senador Bong Go, inikot nila ni Pangulong Duterte ang Marikina at Montalban na nalubog sa baha.
Ginawa ng Pangulo ang aerial inspection matapos dumalo sa virtual 37th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.
Ayon kay Go, pinasisiguro ng Pangulo na handang magamit ang lahat ng assets ng gobyerno para masagip ang mga stranded.
Pinapa-mobilize na rin aniya ng Pangulo ang lahat ng kagamitan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Air Force, Navy, at Army, Philippine Coast Guard lalo na ang kanilang mga rubber boats para mapasok agad at ma-rescue ang mga residenteng humihingi ng saklolo.
Inatasan rin ng Pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.
Mahigpit din aniyang monimonitor ng Pangulo ang mga pangyayari.
Vic Somintac