Pangulong Duterte nagtalaga ng crisis manager sa mga lugar na matinding tinamaan ng bagyong odette

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rolando Bautista na pangasiwaan ang Crisis Management Group na tututok sa mabilis na paghahatid ng kailangang tulong para sa mga residenteng lubhang tinamaan ng nagdaang bagyong Odette.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles partikular na pinatututukan ng Pangulo kay Bautista ang Siargao, Dinagat Island at ang Surigao City.

Makakatuwang ni Secretary Bautista si National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad sa agarang paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng kalamidad.

Ayon kay Nograles ipinagagamit narin ng Pangulo ang Presidential Yatch na BRP ang Pangulo para maging floating hospital sa mga nangangailangan ng kaukulang medical attention.

Inihayag ni Nograles nais ng Pangulo na maging mabilis ang pagpapadala ng tulong gaya ng tubig, food at non- food items gayundin ng kailangang tents na pansamantalang masisilungan ng evacuees.

Vic Somintac

Please follow and like us: