Pangulong Duterte , naisyuhan na ng National ID
Natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Philippine Identification Card.
Mismong si National Economic and Development Authority o NEDA Director General Secretary Karl Chua ang nag-abot ng card kay Pangulong Duterte sa Malakanyang.
Ang Philippine Identification System o Philippine Identification Card ay ang official national identity card para sa bawat Filipino at foreign permanent residents na nasa Pilipinas.
Kasama ng Pangulo na nakakuha ng National ID sina Senador Bong Go at Executive Secretarg Salvador Medialdea.
Umaasa naman ang Malakanyang na bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022 ay mabibigyan na ng National ID ang mayorya ng mga filipino.
Vic Somintac