Pangulong Duterte nasa Thailand na para sa tatlong araw na official visit
Dumating na sa Thailand si Pangulong Duterte para sa tatlong araw na official visit.
Kabilang ang issue ng droga at terorismo sa Mindanao sa mga matatalakay nina Pangulong Rodrigo Duterte at ni Thai Prime Minister Prayut Chan-O-Cha.
Ayon kay Thailand Government Deputy Spokesperson Werachon Sukond-Hapatipak, nakalinya ang mga security-related issues sa mga high agenda ng dalawang lider.
Sa bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Thai Prime Minister Prayut Chan-O-Cha ang drug suppression, pagpapa-igting ng kooperasyon sa mga anti-drug intelligence agencies ng dalawang bansa tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at ang Thailand Office of Narcotics Control Board
Magugunitang noong panahon ni dating Thai PM na si Takshin Shinawatra, nagkaroon din ng war against drugs ang Thailand kung saan binigyan din ito ng 3 buwang palugit na nagresulta sa pagkamatay ng halos 3 libong mga drug user at pusher at pagbaba naman ng opium farming manufacturing ng 90 porsyento sa Thailand.
Bukod pa rito, inaasahang mapaguusapan din nina Duterte at Chan O-Cha ang pagresolba sa problema ng terorismo sa Mindanao na sa kasalukuyan ay pugad ng mga armadong grupo tulad ng Abu Sayyaf.
Lalagdaan din ng Pilipinas at Thailand ang mga kasunduan pang ekonomiya tulad ng 5-year cooperation program sa turismo at kooperasyon sa swamp and dairy production.
Ulat ni: Vic Somintac