Pangulong Duterte, personal na bibisita sa mga tinamaan ng bagyong Rolly sa Bicol region
Personal na magtutungo ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tinamaan ng bagyong Rolly sa Bicol region.
Sa Laging Handa press briefing sinabi ni Senador Bong Go na magtutungo sa Legaspi Albay ang Pangulo at magsasagawa ng aerial inspection para makita ang lawak ng pinsala na iniwan ng bagyong Rolly.
Ayon kay Senador Go, nais makita ng Pangulo ang kalagayan ng Bicol region na pinakamatinding hinagupit ng bagyong Rolly. Inihayag ni Senador Go na pagkatapos ng aerial inspection ng Pangulo sa Bicol ay babalik na sa Manila para pangunahan ang pulong ng gabinete at Inter Agency Task Force o IATF sa National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC sa Kampo Aguinaldo Quezon City.
Kinumpirma din ni Senador Go na magkakaroon ng pablic address ang Pangulo pagkatapos ng cabinet at IATF meeting.
Vic Somintac