Pangulong Duterte, pinangunahan ang campaign rally ng PDP-laban sa Caloocan city
Ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puwersa ng Partido Demokratiko Pilipino-lakas ng bayan sa campaign rally sa Caloocan city.
Kagabi, pinangunahan ng Pangulo ang campaign rally ng PDP laban at personal na ikinampanya ang mga kandidato.
Sa kaniyang talumpati, inisaisa ng Pangulo ang mga kandidato na aniya’y dapat maupo sa Senado.
kabilang na rito ang tumatakbong Senador na si Congressman Rodante Marcoleta.
Hinamon ng Pangulo ang mga kasamahan sa PDP-laban na ipagpatuloy ang mga nasimulan ng kanyang administrasyon para sa pag-ahon ng bansa.
Pinaalalahanan niya ang mga kapartido na manatiling makapagkumbaba at maging tapat sa paglilingkod sa bayan.
Dumalo rin sa pagtitipon sina Senador Bong Go, Energy at PDP-laban President Alfonso Cusi, mga guest candidate tulad ni dating DICT Secretary Gringo Honasan at mga lokal na opisyal at kandidato sa Caloocan.
Sinamantala rin ng Pangulo ang pagkakataon para igiit na isulong ang batas laban sa mga nasa likod ng illegal drug trade at mga rebeldeng komunista na patuloy na naghahasik ng karahasan sa bansa.
Meanne Corvera