Pangulong Duterte pinangunahan ang pagbibigay parangal sa mga natatanging sundalo at pulis sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani

Mismong si Pangulong  Rodrigo Duterte ang nanguna sa pagbibigay ng Gawad sa mga tinaguriang fallen heroes ng Marawi City.

Ito’y bahagi pa rin ng isinasagawang pagdiriwang ng National Heroes day ngayong araw sa Libingan ng mga Bayani.

Matatandaang mas pinalawig pa ang Order of Lapu Lapu award sa pamamagitan ng Executive Order no. 35 atnahati na ito sa apat na kategorya at ito ay ang Magalong, Kalasag, Kampilan at Kamagi Award.

Mga pinakamalapit na kamag-anak ng mga nasawing sundalo na nakipag-laban sa Marawiang  tumanggap ng parangal.

Ang kaisa -isang awardee na buhay at tumanggap ng Order of Lapu-Lapu award ay si Police Chief Inspector Jovie Espenido Chief of Police ng Ozamis City.

Si Espenido ay una na ring pinarangalan sa Kampo Krame nitong nakalipas na Agosto a- siyete na pinagkalooban ng special award kaugnay ng marubdob na pagtugon nito sa anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.

Sa mensahe ng Pangulo binigyang diin nito ang kabayanihan ng  modern heroes na kinabibilangan ng mga sundalo at pulis na namatay sa pakikipaglaban sa mga teroristang Maute group.

Partikular ding binanggit ng Pangulo si Chief Inspector Espenido na  itinalaga  sa Iloilo bilang bagong Chief of Police kung saan ang Mayor ay si Jed Patrick Mabilog na nasa narco list ng Pangulo.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *