Pangulong Duterte , pinangunahan ang paggunita sa ika-158 taong kaarawan ng pagsilang ni Gat Andres Bonifacio sa pinaglabanan shrine sa San juan city
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdiriwang ng ika-158 taong kaarawan ng pagsilang ng bayaning si Gat Andres Bonifacio sa pinaglabanan Shrine sa Lungsod ng San Juan kung saan naganap ang unang sagupaan ng mga katipunero at kastila noong August 30, 1896.
Nag-alay ng bulaklak ang Pangulo sa bantayog ng katipunan at ginawaran ng phostumous award Order of Lapu lapu with the rank of Magalong si Bonifacio na tinanggap ng isa sa kamag-anak ng bayani sa katauhan ni Binibining Buena Grace Distrito Casanova.
Sa talumpati ng Pangulo sinabi niya na dapat alalahanin ang kabayanihan ni Bonifacio na nagpakita ng tapang para harapin ang anumang hamon na gawa ng mga mananakop na dayuhan upang makamit ang kalayaan ng bayan.
Ayon sa Pangulo katulad din noong panahon nina Bonifacio ang bansa ngayon ay nahaharap din sa malaking hamon na dulot naman ng pandemya ng COVID-19 na kailangang bakahin para tuluyang makalaya sa nakamamatay na pandemya ng coronavirus.
Inihayag ng Pangulo na dapat tularan ng bawat pilipino si Bonifacio na ipinagpauna ang kapakanan ng bayan upang makalaya sa anumang hadlang para sa ikauunlad ng bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.
Vic Somintac