Pangulong Duterte, posibleng magpabakuna na pagdating ng Sinovac anti-Covid vaccine ng China sa Pebrero
Maaring magpabakuna na si Pangulong Rodrigo Duterte ng Sinovac anti-COVID 19 vaccine ng China kapag dumating sa Pilipinas sa buwan ng Pebrero.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na noon pa gustung-gustong magpabakuna si Pangulong Duterte.
Ayon kay Roque nais pa nga ng Pangulo na kung maaari ay ibakuna sa kanya ang gawang Russia at China subalit hindi umano ito maaari ayon narin sa mga Medical expert.
Inihayag ni Roque, pinilit talaga ni Pangulong Duterte na sa halip na June o July pa ang pagdating ng bakuna ay gawing Pebrero at ito ay ang bakunang Sinovac ng China.
Niliwanag ni Roque aalamin pa niya sa Food and Drug Administration o FDA kung nag-aaply na ng Emergency Use Authorization ang Sinovac.
Vic Somintac